Linya-Linya Presents: Tayo-Tayo x UPRISING Hip Hop Night

Sa ika-30 ng Mayo 2025 ay meron kayong pagkakataon makapanood ng solidong hip hoppan. Inihahandog ng mga tropa sa Linya-Linya ang Tayo-Tayo x UPRISING Hip Hop Night. Ito ay gaganapin sa HQ ng Linya-Linya: 5F Building 3, Magnitude Place, E. Rodriguez Ave., Quezon City. 350 pesos ang ticket at may kasama itong Linya-Linya voucher na may halagang 50 pesos at isang FlipTop Beer. Alas nuebe ng gabi magsisimula ang programa.

Kung pamilyar ka sa Full Tank, medyo ganyan ang atake dito. Hindi man kumpletong Koponan ng Kamao ang naka lineup, marami pa ring artists mula dito ang sasalang. Halina’t panoorin magtanghal sila Sayadd, Apoc, KJah, Kemikal Ali, DJ Nicko, SupremeFist, at Anygma. Makakaasa din kayo ng mahahabang sets sa bawat isa, kaya sulit na sulit na, ‘di ba?

Isa pang dapat tandaan ay limited lang ang slots dahil intimate ang setting ng event. Kuha na kayo ng tickets niyo. Sa’n nga ba makakabili? Mag-click lang sa link na ‘to. Kung wala kayong gagawin sa a-trenta, punta na dito at maki hip hop sa’min. Hayaan niyo kaming busugin ang inyong diwa gamit ang kalidad na lirisismo at tunog. Kita-kits!